haaay
Posted by jayr13th at 11:40 PM on August 19, 2006.
Posted by jayr13th at 11:40 PM on August 19, 2006.
Posted by jayr13th at 11:01 PM on April 28, 2006.
once i had a set of great friends in college...we shared many moments together, the good and the bad...somehow we drifted apart, well i think i drifted away from them but i believed that they would still be intact...many months have passed and now i believe things have changed...drastically...
hehe di nyo ba naalala ang ating napagdaanan na...ung mga panahon na nagtatrabaho tayo ng magkakasama...tuwing may publicity ay natitiis natin ang sobrang init ng araw kasi magkakasama tayo at nagtatrabaho ng masaya...at tuwing matatapos ang trabaho ay pag-uusapan natin ang mga nangyayari sa club at kahit na alam natin na tayo lang ang nagtatrabaho nun ay di pa din tayo nawawalan ng loob kasi alam natin na nasa likod natin ang isa't-isa upang saluhin tayo kapag tayo ay napapagod na...
e ung mga panahong ang hilig nating tumambay...sobrang dami kong tambay hours nung applikante pa lang ako...at dahil un sa inyo...sobrang saya nyo kaya kasama, magcacards tayo, magkukwentuhan, magcacards ulet, magkukuwentuhan pa ulet...at habang ginagawa natin un ay mayroong napakalaking mga ngiti sa ating mga mukha...pagtapos natin tumambay ay dederetso tayo sa SM upang magliwaliw at magsaya...di nyo ba namimis ang paglalaro natin sa arcade, paghulog ng mga piso, pagdance mania, pagbabasketbol, panonood ng sine na sunod sunod...at hindi nyo ba namimis ang pagkaen natin sa tokyo tokyo...ung sobrang dami natin kumain ng rice...hehe dahil dun lumaki ung tiyan ko...
hehe kaya lang napalayo ako sa inyo...un cgro ung fault ko, lumayo ako at ngayon sobrang nanghihinayang ako...kung maibabalik ko lang sana ang pagkakaibigan natin...alam ko naman na di na natin maibabalik ung dati, pero sana kahit papaano e maging maayos tayo...
now i envy you, you who have a strong bond of friendship...you who have worked together and cried together...you who have shared laughter and tears...now i see that your friendship is at risk...i hope you could realize how lucky you are to have great friends, friends that would be there for you, friends that would care for you...friends that would understand you...
ang saya kaya ninyo, kumakaen kayo sa labas kung saan saan, nagoovernyt kayo sa boarding haws/condo/etc.. ng isa't-isa...nagbobonding kayo palagi, at naguusap kayo ng madalas...kapag may problema kayo may kadamay kayo at alam nyong may malalapitan kayo...
at ngayon porke may tampuhan kayo ngayon e ayaw nyo na mag-usap...kamusta naman???? di nyo ba naiisip na sayang ang pinagsamahan nyo...buti nga kayo may ganayang pagsasamahan e...ako wala...sobrang mahirap ang walang ganyan...so un sana wag nyo baliwalain...MAGUSAP NA KASI KAYO!!!! UTANG NA LOOB!!!! tandaan nyo na ang pagkakaibigan ay di lamang sa masayang bagay kundi lalong lalo na sa malungkot...alam ko malaki ang inyon hinanakit sa isa't-isa pero maaayos nyo lang yan kung mag-uusap kayo...pleasepleaseplease mag usap na kayo...bago pa mahuli ang lahat...sayang talaga...ung circle of friends ko dati ndi na magagawaan ng paraan upang maibalik sa dati...pero ung sa inyo pwede pa, so please lang tlga ayusin nyo na yan...magusap lang kayo, un ang simula...alam kong mahirap ang magkaintindihan lalo na kung lahat kayo ay matigas ang ulo, pero un sana simulan nyo, at susunod din ang lahat :)
Posted by jayr13th at 07:50 AM on April 22, 2006.
Posted by jayr13th at 03:52 PM on November 14, 2004.
Posted by jayr13th at 12:46 AM on October 10, 2004.